Kabilang sa mga nagsasayaw ng sayaw ng kasiglahan at pangkasaganahan ang mga dayuhan mula sa ibang mga bayan sa Pilipinas, na humihiling ang karamihan ng anak na lalaki o babae mula sa mga patrong santo, ng asawang lalaki o babae, o suwerte sa buhay. Nagsasayaw silang lahat bilang isang panatang prusisyon pangunahing na ang upang pumasok sa mga sinapupunan ng mga kababaihan ang espiritu ng buhay. Ito ang salamangka at misteryo ng Obando, Bulakan. Ginaganap ang kapistahan ng sayaw sa sunud-sunod na tatlong araw ng Mayo 17 para kay San Pascual, Mayo 18 para kay Santa Clara, at Mayo 19 para sa Ina ng Salambaw. Binanggit ang pagdiriwang ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal sa kaniyang nobelang nasusulat sa wikang Kastila, angNoli Me Tangere (1887), nasa Kabanata 6: Si Kapitan Tiago.
Karaniwang naguumpisa ang pista sa umaga ng Mayo 17, sa pagmimisa ng kura paroko. Pagkaraan, magkakaroon ng isang prusisyon para sa tatlong santo. Na sinusundan ng pagsasayaw ng mga deboto at musikong bumbong. Magpapatuloy ito ng tatlong araw, na pangungunahan naman ng mga poon.
Kasaysayan
Dating nagsasagawa ang mga sinaunang mga Pilipino ng isang ritwal na kilala bilang Kasilonawan at pinamumunuan ng isang katalonan, o babaeng pari. Karaniwang tumatagal ang ritwal nang may siyam na araw at kinasasangkutan ng pag-inom ng mga nakalalasing na mga inumin, pagaawitan, at sayawan. Ginagawa ang mga ito sa tahanan ng isang datu o pinuno ng barangay. Naging mahalag ang ritwal na ito para sa mga sinaunang mga Pilipino dahil pinahahalagahan nila ang kasiglahan at kasaganahan na may kaugnayan din sa pagkakaroon ng kayamanan ng bawat tao. Dating itinuturing na isang miyembro ng mababang antas sa lipunang Pilipino ang isang babaeng baog o hindi magkaanak, at nagdurusa sa pangungutya at panghahamak ng ibang mamamayan. Dahil dito, naging mahalaga ang pagsasagawa ng mga ritong may kaugnayan sa pertilidad upang magkaroon ng anak ang mga kababaihan. Pinagtuonan ng pansin sa pagdiriwan ng Kasilonawan ang diyos na may pangalang Linga, isang puwersa ng kalikasan. Magsasama-sama ang mga kasapi ng pamayanan para isagawa ang Kasilonawan sa isang kapatagang nasa gitna ng masukal na kagubatan na gumagamit ng masining na sagisag ng ari ng lalaking nakalagay sa gitna na pook na pinagdarausan ng pagdiriwang. Maingat na nakalagak ang apoy na nagbibigay ng liwanag upang kumatawan sa araw na tagapag-bigay ng buhay, ang tagapagbasbas sa lahat ng mga nakikiisa sa ritwal. Sa pagdating ng mga misyonerong Pransiskano sa Pilipinas, nagtayo ang mga ito ng mga simbahan upang palaganapin ang Kristiyanismo at nagpakilala ang mga santong Katoliko. Sa Obando, Bulakan, ipinakilala ng mga Pransiskanong pari ang isang pangkat ng tatlong mga santo: sina Santa Clara, San Pascual at ang Ina ng Salambaw, upang palitan ang tradisyonal na mga paganong diyos. Mga replika na lamang (hindi na orihinal) ang pangkasalukuyang mga imahen ng mga santong nasa altar ngSimbahan ng Obando, na nililok na binigyan ng suportang pananalapi ng mga mamamayan ng Obando. Natupok ang mga orihinal noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
waaaaaaaaaaaaa
ReplyDelete