Search This Blog

Friday, January 30, 2015

Can You Not?

People in the Philippines, will you stop playing Blame Game?
Blaming PNoy for everything won't help.

About the PNP SAF Massacre, walang may gusto sa nangyari. Like instead of Praying for their souls eh nakukuha pa nating mag bintang.

Anong attitude ang meron ang mga Pilipino ngayon? Ganyan ba talaga nagagawa ng social media?

Freedom of Expression?
Yes you have that. But it doesn't mean na lahat ay pwede mong sabihin.
Hindi ko alam kung sadyang makikitid lang ang utak ng mga taong ito, o sadyang nakikisabay lang sila sa mga nababasa nila sa social networks.

Nalulungkot ako dahil sa mga namatay, pero mas nalulungkot ako sa mga taong binigyan ng pagkakataon para mabuhay pero sasayangin lang sa pamimintas, paninisi, at galit sa ibang tao. Sana hindi lang isang sitwasyon ang nakikita nila ngayon.


Sunday, May 4, 2014

Social Media? Bagong basehan ng kasikatan ng mga UGOK!


Bakit ka nga ba gumagamit ng SNS o mas kilala sa tinatawag na Social Networking Sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, Linkedin, Youtube o kung ano ano pa?

Para maipahayag ang nararamdaman mo?
Para masabi na nasa sikat na lugar ka?
Para mag gain ng maraming likes?
Para sumikat?
Para kainggitan?

Well, Kung isa sa mga yan ang dahilan mo, eh malamang nabibilang ka sa isang henerasyon kung saan nabibilang ang mga bobong katulad mo.

Oo Generation of Idiots ika nga ng iba..

Aminado akong hindi ganun ka raming "likes" ang mga pinopost ko sa facebook. 2-3 likes, madami na sakin yun..

Pero matatawag ba akong loner? walang friends?

May ibang tao 100 likes, 2000 likes..

Ang tanong? ilan ang kilala mo sa mga nag likes ng post mo?


Pag mag isa ka, at wala kang kasama, ipopost mo picture mo sa instagram.. sabay caption "drinking milk tea at the moment"

Ang tanong.. Masaya ka bang magisa?


Mag fafacebook ka sa kwarto mo, mag popost ng nakakatuwang status o kung anu man..

Pero narerealize mo ba na, mag isa ka lang?


hindi ba mas masarap uminom ng kape kasama ang kaibigan?
hindi ba masarap manuod ng movie ng may kasama?
hindi ba masarap kumain ng masarap na pagkain ng may kasama?


sa kada post mo, sa dami ng pinopost mo.. dun napapatunayang isa kang LONER 


SA henerasyon na to? hindi natin masisisi ang mga bata kung bakit hindi na nag lalaro sa labas, kasi nakikita yan sa mga matatanda tulad natin..


Sa mga smartphones na yan, nag tatago ang mga bobong may ari.

Gamitin sa tama, wag sa katangahan. Hanggat maari, wag mag pa dala sa mga SNS na yan,

Isang like? walang like? malungkot?
Bobo ka kung yun ang nararamdaman mo.. Masyado ka nag papaapekto sa sasabihing ng ibang tao sayo..


SA INTERNET WALANG TOTOO. LAHAT KATHANG ISIP LANG. WAKE UP! LOOK UP!

Monday, May 13, 2013

HANGALAN 2013

NAG HAHANGAD ANG PILIPINAS NG PAG BABAGO! TAPOS ANG IBOBOTO SILA SILA RIN? PAANO NALANG YUNG MGA INDEPENDENT CANDIDATES? NA HINDI NABIBIGYAN NG CHANCE PARA IPAKITA NILA KUNG ANU MANG MERON SILA? 

PANO NALANG YUNG IBANG NAG HAHANGAD NG MAS MAGANDANG KINABUKASAN KUMPARA SA MGA PULITIKO NA PAULIT ULIT TUMATAKBO?

HINDI NIYO BA NAPAPANSIN? LAGI NALANG SILA NAHAHALAL.. NARAMDAMAN NIYO NA BA ANG PAGBABAGO NUNG UNANG MAHALAL SILA?  

YUNG PAG UWI NIYO NG BAHAY PINAG MAMALAKI MO NA BINOTO MO YUNG IDOL MO.. TAPOS ANO? MAY NAGAWA BA?

ILANG TAONG TERMINO SILA UUPO.. MAY NAGAWA BA?

IBOBOTO KO YAN! KAMAGANAK NIYA PRESIDENTE NATIN EH!
IBOBOTO KO YAN! IDOL KO TATAY NIYAN EH! ANAK NI FPJ YAN EH!
IBOBOTO KO YAN! ANAK YAN NI VICE EH!
IBOBOTO KO YAN! PIMENTEL YAN EH!
IBOBOTO KO YAN! JOWA YAN NI HEART EVANGELISTA EH! ARTISTA KAYA YUN
IBOBOTO KO YAN! VILLAR YAN EH MAHIRAP DIN KASI SYA!
IBOBOTO KO YAN! TATAY NIYA DATI PRESIDENTE! 
IBOBOTO KO YAN! NADAYA YAN EH!

IBOBOTO MO NGA! MAY NAGAWA NA BA SILA?

IBOBOTO MO NGA! KILALANG PERSONALIDAD KASI SILA, MAY MAGAGAWA BA SILA?


HINDI KO SILA MINAMATA AT WALA AKONG KARAPATAN PARA MATAHIN ANG MGA KAKAYAHAN NILA.. NAG AALALA LANG AKO PARA SA MGA PAMANGKIN KO AT SA MGA BATA NA BAKA WALA NG ABUTANG MATINONG PAMAMAHALA SA PILIPINAS!

YUNG TIPONG TATAKBO SILA NG PULITIKA PARA KUNG SAKALING MALAOS MAN SILA MAYROON PARIN SILANG MATATAWAG NA CAREER!



MAWALANG GALANG NA HO! WAG NIYO NAMAN HO SANA PAGKAPERAHAN YUNG PINAGPAPAGURAN NAMIN! 


AYOKO TUMANDA SA PAMAMAHALA NG MGA BUWAYA! 

SA MGA TAONG MAPAG MALABIS! LAHAT NA NG POSISYON NA PWEDENG PASUKAN HALA SIGE PINASOK NA! 


PANO NA LANG YUNG MGA TAONG MAY MAS MAGANDANG HANGARIN KASO WALA SILANG KAMAGANAK SA GOBYERNO O SABIHIN NANATIN YUNG MGA HANGARIN LANG TALAGA AY MAKATULONG SA KAPWA PILIPINO?



LINTEK! NA BWIBWISIT TALAGA AKO! NAAWA AKO SA MGA BUMOTO PUMILA HALOS MAHIMATAY SA GUTOM TAPOS GANYAN KAKALABASAN! PUNYETA!

Tuesday, August 7, 2012

Please PRAY for the Philippines


Today August 7, 2012 Many people here in Philippines is suffering now from floods due to heavy rain. mostly in MetroManila, Marikina and Quezon City (NCR)
Were all cheerless.
Us filipinos doesn't need sympathy
We need PRAYERS
For those who are suffering now from floods
For those experiencing colds
For those who are stranded in their roofs
and For the souls who passed away :(


At tumana Marikina

At Karuhatan Valenzuela 

400-500 Evacuees staying in Sto.Doming Church


cooperative undertaking in Philippines makes me realized that there so many good people here! 
Sobrang saludo ako sa mga volunteer rescuers natin!
BAYANIHAN**

I seriously almost cry! while watching news on television :( Heartbreaking talaga!
anyway here's the hotline number's 
Emergency PAGASA-4338526 MMDA-136 NDRRMC-9111406 DPWH-3043713 RED CROSS-143 PHIL COAST GUARD-5273877 PNP-117 DOTC-7890 MERALCO-16211

You can also donate your Donations here.

http://www.redcross.org.ph/donate

Bank accounts for Donations
Banco De Oro
Peso:             00-453-0018647      
Dollar: 10-453-0039482

Metrobank
Peso: 151-3-041631228
Dollar: 151-2-15100218-2

Philippine National Bank
Peso: 3752 8350 0034
Dollar: 3752 8350 0042

Unionbank of the Philippines
Peso: 1015 4000 0201
Dollar: 1315 4000 0090

All Check/Cash for the account of Philippine Red Cross (Swift Codes)
Banco De Oro
BNORPHMM

Bank of the Philippine Islands
BOPIPHMM

Metrobank
MBTCPHMM

Philippine National Bank
-PNBMPHMM

Unionbank of the Philippines
-UBPHPHMM


For your donations to be properly acknowledged, please fax the bank transaction slip at nos.             +63.2.527.0575       or             +63.2.404.0979       with your name, address and contact number.

In-Kind Donation

Local
Please send in-kind local donations to Philippine Red Cross - National Headquarters in Manila. We could also arrange for donation pick-up

International
1. Send a letter of intent to donate to the PRC.
2. A letter of acceptance from PRC shall be sent back to the donor.
3. Immediately after shipping the goods, please send the (a) original Deed of Donation, (b) copy of packing list and (c) original Airway Bill for air shipments or Bill of Lading for sea shipments to Philippine Red Cross - National Headquarters c/o Secretary General Gwendolyn Pang, Bonifacio Drive, Port Area, Manila 1018, Philippines.

The PRC does not accept rotten, damaged, expired or decayed goods. Though we appreciate your generosity, PRC also discourages donations of old clothes as we have more than enough to go around.




Through your generosity, we can stand prepared for disasters. We appreciate your continuous and unwavering support. Thank you.


Tuesday, May 29, 2012

3Hrs Neutral Convicted USELESS



Siguro naman everyone knows about what happened to our DEAREST Renato Corona.


Today. May 29,2012 Corona has been convicted as a Chief Justice. Ofcors may paki ako. Since Elementary mulat na mata ko sa mga nangyayari sa pulitika ng pinas. Actually idol ko nun si Drillon eh


Siguro dahil wala pa akong kamuang muang nun. Pero ngayon i'm seventeen, And i have my voice na..
Naging hobby ko na ang panunuod ng news since bata pa ako hanggang ngayon. Well laman ng balita ngayon at kahit ng mga social networks ngayon is yung pag impeach kay CJ Corona,


Para sakin. Kung ako pwede lang ako bumoto eh mas pipiliin ko na ma Acquit si Corona. Hindi dahil sumasang ayon ako sa ginawa nia. Though para sa akin naman eh Oo naniniwala ako sa statement ni prosecutor Rudy Farinias, Kasi talagang may pruweba sya eh pero sa totoo lang Hindi lahat ng nakasaad sa powerpoint nia eh totoo. Hahaha Alam ko kaya lahat *charot!


Kung pag babasihan mo kasi yung 3Hrs na speech ni Corona eh talagang may point sya at talagang pinanindigan nya na pawang kasinungalingan ang mga ibinibintang laban sa kanya. Sinabi pa ni Corona na ang napapaulat na umano’y nakaw na yaman ng kaniyang pamilya ay hindi galing sa korapsiyon. Kumbaga galing sa pawis niya.


Yung mga dollar accounts niya.. Oo nga naman kung sa tingin mong nakaw niya yun eh bakit niya ipapangalan sa sarili niang pangalan?


Parang Ganito lang yun, Kung kukuha ka ng isang bagay ilalagay mo ba yun sa bag mo? di ba hindi?






Pero hindi naman tungkol sa pera o kung ninakaw man niya ang pinuputok ng butsi ko.
Unang una hindi ako naawa kay Corona dahil sa pagiyak niya sa speech nia noon. Dahil alam ko at nakikita ko yung siseridad sa mga sinasabi nia.




Oo nga madaming nag sasabi na Chief Justice sya at sya dapat ang mag bigay ehemplo sa mga nakakaliit na  tao. Pero hindi ba nila naisip na yung dati nating Presidente malala pa sa ginawa ni corona pero ano? walang impeachment na naganap. Bakit? Yun ang tanong ng lahat!




Oo tama si Sen. Peter Cayetano na bakit nga naman pag mahirap ang unang sagot agad ng pulis. "Magpaliwanag ka sa Presinto" samantalang etong si CJ Corona dumaan ng pag kahaba habang proseso.
So asan yung sinasabi nilang dapat maging pantay pantay?


Hindi sa nagmamarunong o ano pero yang 20 na nag sabing guilty Out of 23 senators eh ngayon lang naman nag sigalawan!


Sinasabi nila na dahil sa mga magnanakaw na yan kaya nagiging kurap ang pinas.


Hindi ba nila naisip na kung matagal na nilang inayos yung mga bagay bagay na katulad nian eh sana WALA NA SANA SA TOP 5 NA BANSA ANG PILIPINAS SA PAGIGING CORRUPT!


Paano yang 20 na senators. (teka hindi ko ginegeneralized lahat) basta! yan kalahati nian eh mga nag mamalinis lang eh. para sa popularity. Hindi naman tama yun!




Pero sana wag natin isisi sa isang tao ang pagiging corrupt ng
pinas. yang mga maliliit na namumulitika yan ang malakas mag nakaw. Yang maliit na yan pag pinag samasama mo napaka laki!


Eto lang naman nagiging masyadong eksaherada tayong mga pinoy eh. Makisaw saw lang sa isang bagay na hindi naman alam eh pinapanigan agad. Kaya nagiging majority yang boto dahil nakikiuso ang mga pinoy.


Sana alamin muna natin ang isang sitwasyon bago makisawsaw.. hindi na to para sa mga senators para na to sa mga pinoy na walang alam gawin kung hindi makisawsaw sa mga nangyayari sa pinas. Hindi ko sinasabi na wag makisawsaw o wag makialam sa nang yayari sa bansa natin. Malamang bansa natin yan dapat may paki tayo. Yung Unawain muna natin ang isang bagay bafgo makisawsaw kasi kumukumplikado ang mga bagay bagy kapag hindi mo sinisigurado kung tama ba ang pinanigan mong desisyon eh.


Parang yung nang yari kanina... Para syang isang Class na Out of 23 tatlo lang ang pumasa kasi tatlo lang ang Nag aral mabuti. YUN LANG!

Wag tayo mag padala sa desisyon ng nakakaerami kung alam mo naman na tama ka. Mas maganda kung may paninindigan hindi yung sumasang ayon ka sa isang sitwasyon dahil yung ang mas nakakaraming boto. 

Pang walang tiwala sa sariling gawain lang yun.

ADIOS AMIGOS